RSS

Reminisce.

03 Feb

Warning: This is nonsense. Ibabahagi ko lang ang personal na buhay ko. Pero hindi ko to nasasabi sa kahit sinong tao. Kaya dito ko na lang ilalabas.

Dahil sa wala ako masyadong work loads for the past two days, ang humiga lang sa kama ang ginawa ko. Hindi muna ako pumasok sa aking social network life dahil gusto kong pahingahan ang mata ko from computer.

Hindi naman talaga ako antok. I just miss my bed. Na-appreciate ko ang bed ko kasi sa tuwing pagod na pagod ako, bed ko ang nagiging sanctuary ko. A place where I can relax. So, kasabay ng paghiga sa kama, I read a book, Tuesdays with Morrie. Matagal ko na tong binabasa, hindi ko lang matapos-tapos. Pero sumuko ulit mga mata ko so I stopped reading.

I plugged my earphones and listened to radio. If books can make me inspired, music can make me smile… and cry. Dahil nga sa gabi na, medyo mellow ang mga kanta. I can’t remember what particular song made me cry and remember every single detail of the past–2 years ago.

Yes. More thank two years ago, I was so in love with a friend, a classmate, and later on, my boyfriend. Tulad ng ibang relasyon, nagsimula kami sa pagiging kaibigan. Wala naman dapat naging kami, dahil iba ang gusto niya. At malinaw yun sakin, pero sadyang bilog ang mundo at unpredictable ang love.

September 21, 2009. Yan ang date na naging kami. We broke up November 6, the same year. Ang ikli noh? But it was the most memorable relationship I had, so far. Kami rin ang pinakamatunog na love team noon kasi daw ang sweet namin and etc. Pero para sakin, we’re sweeter before naging kami.

Practically, you’ll say, madali lang mag-move n. Wala naman kayong two months. That’s what I thought. But it wasn’t that easy. We were classmates and we didn’t talk for a month. But we ended up as partners for cotillion. Crazy right?

Nung una, madali lang talaga ako naka-move on. Pero hindi naman kasi dun natapos yun eh. Muntikan kaming magkabalikan, kaso yun na nga, muntikan lang. Hanggang dun lang. At dun ako mas nasaktan.

After nun, I was so busy with studies. Hanggang di ko napansin yung panahon na ang tagal ko nang single. He had new partners already habang ako, eto, single parin. I really thought naka-move on na ako. But I was wrong.

Why? Kasi hanggang ngayon takot akong magmahal kasi takot akong masaktan. Hindi ko lubusan kayang magtiwala. Kaya nahihirapan ako. At naiinis sa sarili ko. I did love him, so much. Kaya ngayon nagkakaganito ako. Oo, bata pa ako, kaya nga madaling na-in love. Pero wala naman edad na kinakailanagn para magmahal diba?

Alam kong makakalimutan ko sya. Makakalimutan ko din yung nangyari, I mean, matatanggap ko. At matutututo ako. Hindi ko mamamadaliin ang oras. Hindi ako magbibilang ng panahon. Alam kong may nakalaan para sakin. Alam kong hinahanap niya din ako at someday, magkikita kami and it’ll be the best day of our lives.

 
 

2 responses to “Reminisce.

  1. i.am.rye

    05/02/2012 at 7:17 AM

    hmmm.. mahirap tlgang mgmahal at mabigo ngunit mas mahirap kung laging takot. let go of all your inhibitions and let love in…

     
  2. stayinspiredatalltimes

    06/02/2012 at 9:43 PM

    I tried. For quite some time, minsan nga sinusubsob ko na lang sarili ko sa work pero kapag wala na naman ginagawa, nagsisibalikan lahat. Hehehe. Anyway thanks po sa pagbasa ng ka-dramahan ng isang teenager na tulad ko. I know, someday, I’ll meet the one. :))

     

Leave a comment